Monday, 20 April 2015

Ang korny.. Di naman((:

Nakasalubong ka na ba nang isang Pilosopong Taong walang magawa sa buhay? Ako hindi pa, pero lahat nang mga naka-salubong ko na... Oo. Ewan ko kung bakit. Coincidence?

Ang Pilipinas, May isang natatangin Imbensyon na malaking tulong sa transportasyon. Ayon ang Dyip at Tricycle. Bunga nang sadyang masahing isip, nabuo ang mga Birong Nakapipikon o Nakaiinis, pero may isang intensyon... Mag-patawa.
Sa Isang Dyip....

Pasahero: Boss bayad..
Drayber: Galing saan?
Pasahero: Sa bulsa ko 'ho
Drayber: (sa isip) Ah, Pilosopohan pala ah. (Kinuha ang bayad)
•••Drayber: Sukli mo.
Pasahero:Salamat. (binilang, kulang!) Teka kulang 'to, magkano ba Quiapo?
Drayber: Bakit bibilhin mo?

Sa Isa pang Dyip...

Pasahero: Boss, 'kano ho Jollibee?
Drayber: Milyon ho yan.
Pasahero: Hinde, 'kano bayad sa Jollibee?
Drayber: Ano bang oorderin mo?
Pasahero: 'kano "Pamasahe" sa Jollibee?
Drayber: Walang masahista do'n. !@#$.
Pasahero: (napipikon) Bababa po ako sa may Jollibee, Siyempre magbabayad ako sa inyo, 'di ko alam kung magkano. Magkano ho ba?
Drayber: Lampas na tayo ser.

Haha, Korny man yan, May kasabihan tayo. Alam mo na yon.

Wala tayong magagawa, talagang masayin ang pinoy. Kahit saan man tayo naroon. Di tulad nang ibang mga tao sa ibang bansa na seryoso pa sa mamon. Iba tayo, kung tunay kang PILIPINO, natawa kana sa kahit anong joke diyan.

Nakakatawa lang kaya naipost ko hehehe..
http://lalaughka.weebly.com/kwentong-barbero












4 comments: